SISILIPIN | Rappler at Vera Files, posibleng pinopondohan ng grupo na nakabase sa Europe para sirain ang Duterte government

Manila, Philippines – Sisilipin ng Malacañang ang nagpopondo sa ilang media organization sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Communications Usec. Lorraine Badoy – ang kanilang hakbang ay kasunod ng isang artikulo sa The Manila Times kung saan pino-pondohan umano ng isang grupo na naka-base sa eastern Europe ang tatlong media outfits para sirain ang Duterte administration.

Sa nasabing artikulo – pinangalanan ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Center For Media Freedom And Responsibility (CMFR), at Vera Files na nakakatanggap umano ng pondo.


Samantala, kasunod ng pagkuha ng Facebook sa Vera Files at Rappler bilang third party checker ng fake news, kinumpirma ni Badoy na pinaplansta na nila ang meeting sa Facebook upang malaman ang proseso ng pagpili nila sa Vera Files at Rappler.
Una nang pinalagan ng Malacañang ang pagkakapili sa dalawang media outfits dahil sa lantaranng pagkontra ng mga ito sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments