Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng pamahalaan ang military transactions na kinasasangkutan ng mga magulang ni Senator Antonio Trillanes IV.
Matatandaang nitong Setyembre, inakusahan ng Pangulo ang ina ng senador na si Estelita Trillanes na gumagawa ng supply transactions sa Philippine Navy habang ang kanyang namayapang ama na si Antonio Trillanes Sr. ay nasa serbisyo.
Pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte – na isisiwalat niya ang mga detalye ng mga kontrata.
Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang pambabastos ng senador sa ilang resource persons na dumalo sa mga pagdinig ng Senado.
Binanatan din ng Pangulo si Trillanes dahil sa pagkakasangkot nito sa pag-aalsa.
Idinagdag pa ng Pangulo – dapat nagpakamatay na lamang ang senador kaysa sa sumuko matapos gawin ang military uprisings.
Bukod kay Trillanes, hindi rin nakaligtas sa patutsada ng Pangulo si Magdalo Representative Gary Alejano na walang ginawa kundi batikusin ang gobyerno.