SISILIPIN | Validity ng appointment ni CJ Sereno, pinapakwestyon na rin sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Office of the Solicitor General na kwestyunin ang Validity ng Appointment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nais ipasilip ng kongresista ang mga paglabag ni Sereno bago ito maitalaga bilang Chief Justice.

Kabilang sa mga paglabag na ito ay hindi pagsunod ni Sereno sa requirements ng Judicial and Bar Council, patunay na umpisa pa lamang ay invalid na ang appointment nito.


Paliwanag ni Alvarez, ang ganitong usapin ng validity ay maari umanong iakyat sa Korte Suprema at ito ang magdedeklara na dapat bumaba sa pwesto si Sereno.

Ayon kay Alvarez, wala pang ganitong pangyayari sa bansa kaya pwede itong maging test case.

Kapag naideklarang invalid mula sa umpisa ang appointment ni Sereno, imbalido din umano ang lahat ng naging desisyon nito.

Facebook Comments