SISIMULAN NA | 66 na miyembro ng PNPA Maragtas class of 2018, isasabak na sa mala-SAF training

33

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang bagong patakaran na isabak sa mala-Special Action Force training ang lahat ng kanilang mga recruits.

Unang isasabak ang 66 na miyembro ng PNP Maragtas class of 2018 na kanina ay isinagawa na ang badge of honor ceremony dito sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang mala-SAF training na ito ay tinatawag nilang Basic Internal and Security Operations Course na magtatagal ng anim na buwan.

Sinabi naman ni PNP-Human Resources Development Deputy Director Chief Superintendent Reggie Catiis na bago ang anim na buwan na mabigat na training.

Kinakailangan munang sumailalim ng 20 araw na Patrol Officer Basic Course at 45 araw na Investigation Officer Course ang 66 na mga miyembro ng PNPA Maragtas class of 2018.

Tiwala naman si Albayalde na matatapos ng mga bagong graduate ng PNPA ang napakahirap na training sa PNP.

Kabuuang 76 na mga bagong pulis sana ang magsasanay sa mala SAF training pero sampu sa mga ito ay papasok sa Scout Ranger ng Philippine Army.

Facebook Comments