SISIMULAN NA | IRR para sa ID system, nakatakdang ilabas sa Oktubre

Manila, Philippines – Inaasahang sa Oktubre pa mailalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Identification Act o National ID.

Ito ay kahit ektibo na ang batas sa National ID System nitong Agosto 26.

Ayon kay Philippine Identification System (PhilSys) spokesperson Mary Tuble, inaayos pa ng pamahalaan ang IRR kabilang ang proseso sa pagrerehistro ng mga bata at paggabay sa mga may kapansanan.


Sabi pa ni Tuble, sisimulan ng pamahalaan ang PhilSys sa National Capital Region, Calabarzon at Cordillera Administrative Region sa Disyembre.

Muli namang tiniyak ng PhilSys na kabilang din ang usaping seguridad sa mga tatalakayin sa paggawa ng IRR.

Facebook Comments