SISIMULAN NA | Konstruksyon sa Bukidnon airport, inihahanda na ng DOTr

Manila, Philippines – Pasisimulan na ng Department of Transportation ang konstruksyon sa Bukidnon airport

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade ito ang napagpulungan nila kamakailan nila DOTR Usec for airport & aviation Manuel Tamayo, Usec for legal affairs & procurement Reinier Paul Yebra at Senator Migs Zubiri

Kabilang sa napag-usapan sa pulong ang mga kasalukuyang problema sa ibat ibang paliparan, gayundin ang timeline kung kailan mag uumpisa at posibleng matapos ang Bukidnon airport.


Positibo naman si Tugade na masisimulan agad ang konstruksyon ng nasabing paliparan na tyak na makatutulong sa mga bmbyahe partikular na sa bahagi ng Central Mindanao.

Tiniyak pa ng kalihim na maisasakatuparan ang naturang proyekto na ilang beses nang naudlot simula pa nuong 2002 sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte Administration.

Facebook Comments