SISIMULAN NA | Limang linggong konsultasyon sa Mindanao kaugnay ng Bangsamoro Basic Law, aarangkada ngayong araw

29

Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ng House Committee on Local Government, Muslim Affairs at Mindanao Affairs ang limang linggong konsultasyon sa Mindanao tungkol sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Unang haharapin ng panel ang Cotabato City, ang sentro ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), susunod ang Midsayap at ang Davao.

Nangako naman si House Speaker Pantaleon Alvarez na aaprubahan ng kamara ang Bangsamoro Basic Law bago mag-holy week break.

Ayon kay Alvarez, tuluy-tuloy ang kanilang konsultasyon sa iba`t-ibang sektor at pangunahing target na maipasa ang BBL sa Marso.

Facebook Comments