SISIMULAN NA | Pagdinig ng senado hinggil sa environmental crisis sa Boracay, aarangkada ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang pagdinig ng Senate Committees on Environment and Natural Resources at Tourism and Finance sa epektong dulot ng polusyon sa isla ng Boracay.

Pero bago ito, sinabi ni Environment Committee Chairman Cynthia Villar na magsasagawa muna sila ng pag-iinspeksyon sa lugar para personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon doon.

Pinag-aaralan rin aniya nila ang mga kinakailangang batas para mapalakas pa ang environmental law sa pamamagitan ng amendments.


Kabilang sa mga makakasama ni Villar sa pag-inspeksyon ay sina Senators Nancy Binay, Loren Legarda, Sonny Angara, JV Ejercito at Richard Gordon.

Facebook Comments