SISIMULAN NA | Preliminary investigation ng DOJ ukol sa Dengvaxia controversy, aarangakada na ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng criminal charges na isinampa laban kay dating Health Secretary Janette Garin at iba pang opisyal kaugnay ng Dengvaxia controversy.

Ang investigating prosecutors, na sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor Rossane Balauag ay pinatatawag sina Garin at iba pang respondents tulad ni kasalukuyang Health Sec. Francisco Duque III para sagutin ang reklamong inihain ng mga pamilya ng siyam na batang namatay sa anti-dengue vaccine.

Bukod sa health officials, sabit din sa kaso ang mga opisyal ng manufacturer Sanofi Pasteur at sa distributor na Zuellig Pharma.


Maging sina dating pangulong Noynoy Aquino at dating budget Secretary Florencio Abad ay pinadadalo rin sa pagdinig.

Inutusan ang mga respondent na magsumite ng kanilang counter-affidavit sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at obstruction of justice.

Bukod sa kasong kriminal, ang Public Attorney’s Office (PAO) ay naghain na ng mga kasong sibil sa Quezon City Regional Trial Court.

Facebook Comments