Manila, Philippines – Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Ang panghuhuli sa mga lalabag sa provincial bus ban sa EDSA simula sa Aug 15.
Ibig sabihin, simula sa Miyerkules, kasabay ng rush hour, ang mga provincial bus na manggagaling sa Norte ay hanggang sa Cubao na lamang makaka biyahe, habang ang mga provincial bus naman na magmumula sa South, ay sa Pasay City na magbababa ng mga pasahero.
Sa mga bus company na walang terminal sa Pasay, ipagagamit ang Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT), upang doon magbaba ng mga pasahero.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, Lunes hanggang Biyernes, simula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga, at alas 6 ng gabi hanggang alas 9 ng gabi ipatutupad ang Provincial Bus Ban. Dalawang libong piso ang multa sa mga lalabag dito.
Ang ban na ito ay isa sa mga nakikitang solusyon ng MMDA upang kahit papaano ay mabawasan ang mga sasakyan sa EDSA.
Matatandaan, nitong mga nakaraang Linggo, nang simulan ng MMDA ang dry run para sa mga Provicial Bus Ban sa EDSA, kung saan paunti ng paunti ang kanilang nasisita kada araw.