Ipinaliwanag ni MRT-3 Director for Operations Mike Capati sa interview ng RMN Manila na papalitan nila ang buong riles pero kalahati muna ang kanilang gagawin para kahit paano ay mayroon pang magamit ang publiko.
Kasama sa rehabilitasyon ang mga kagamitan, pasilidad tulad ng escalators, elevators at linya ng kuryente.
Tiniyak naman ni Capati na sa oras na matapos ang kanilang rehabilitasyon ay tiyak na hahaba na rin ang oras ng operasyon ng MRT-3.
Kung saan magagamit na ang mga bagong 48 dalian trains, bibilis ang takbo ng tren ng 30 hanggang 60 kilometro kada oras at mababawasan na ang paghihintay sa mga tren sa bawat istasyon.
Samantala, magkakaroon naman Holy Week operational shutdown ang MRT-3 simula ng lunes santo, Abril 15 hanggang sa Abril 21, linggo ng pagkabuhay.
Babalik ang operasyon ng MRT-3 sa Abril 22; 5:30 ng umaga.