SISIRIT | Mga produktong petrolyo, magkakaroon muli ng taas-presyo

Manila, Philippines -Sa ikalawang sunod na linggo, mayroong taas singil sa produktong petrolyo.

Magkakaroon ng dagdag na P1 sa presyo kada litro ng diesel at kerosene habang P0.90 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.

Noong Semana Santa, lagpas P1 rin ang itinaas sa presyo ng produktong petrolyo.


Sa datos ng gobyerno, simula Enero, higit P5 na ang iminahal ng gasolina, diesel, at kerosene dahil sa import price at excise tax.

Facebook Comments