SISIRIT | Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!

May taas-presyo na naman sa mga produktong petrolyo bukas.

Una nang nag-abiso ang Pilipinas Shell Petroleum kung saan epektibo alas sais ng umaga bukas. Magpapatupad ng P0.50 sa kada litro ng gasolina habang P0.35 naman sa Diesel.

Nasa P0.60 naman ang umento sa kada litro ng Kerosene.


Parehong dagdag singil din ang ipatutupad ng Flying V pero epektibo ito alas dose (12:00 AM) ng hating gabi.

Ito na ang ika-anim na linggong sunod-sunod na nagpatupad ng oil price hike.

Facebook Comments