SISIYASATIN | Ocular inspection sa isla ng Boracay, ikinakasa na ng DOT

Manila, Philippines – Magtutungo ang mga opisyal ng Department of Tourism sa kontrobersyal na Boracay Island.

Ito ay para siyasatin kung tumatalima na ang ilang business establishments sa batas pangkalikasan at masiguro na hindi nabababoy ang isla.

Makakasama ng mga opisyal ng DOT si Environment Secretary Roy Cimatu, DILG Officer-in-charge Eduardo Año, ilang senador at mga kinatawan mula sa Department of Justice at Department of Public Works and Highways.


Layon din ng pagtungo ng mga opisyal na i-restore at iligtas ang Boracay na itinuturing na paraiso at pangunahing tourist destination.

Samantala, sa ulat ng DOT VI Boracay Compliance Monitoring Office, “business as usual” parin sa Boracay dahil sa dagsa parin ang mga turista kung ikukumpara nuong mga nakalipas na linggo.

Kung maaalala mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag utos na ipasara ang ilang negosyo sa Bora dahil binababoy ng mga ito ang kalikasan.

Lumabas din sa pagsusuri na positibo mula sa Coliform type of bacteria ang tubig sa Boracay.

Nabatid na ang coliform bacteria ay mula sa dumi ng tao at hayop na maaaring magdulot ng diarrhea at iba pang water-borne diseases.

Facebook Comments