SISIYASATIN | Pagbibigay ng campaign contribution sa ilang pulitiko ni Kenneth Dong, iniimbestigahan din

119

Manila, Philippines – Bahagi ng imbestigasyon ng BIR sa tax evasion case na isinampa sa DOJ laban sa negosyanteng si Kenneth Dong ang sinasabing pamimigay nito ng campaign contribution sa ilang mga pulitiko noong panahon ng kampanya.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnell Guballa, may dokumento kasi mula sa COMELEC na nagbigay ng contribution si Kenneth Dong sa ilang kilalang mga kandidato sa nakalipas na halalan.


Nakapaloob aniya ito sa isinumiteng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE ng mga kandidato.

Nilinaw naman ni BIR Commissioner Ceasar Dulay na iba-validate muna nila ang report hinggil sa pagkakasama nina Senator Risa Hontiveros at Senator Joel Villlanueva sa sinasabing nabigyan ng campaign contribution ni Kenneth Dong.

Sa ipinamigay kasing press release ng BIR sa DOJ Reporters, binura nito ang pangalan nina Hontiveros at Villanueva.

Facebook Comments