Sison, tinawag ang Pangulo na ignorante sa int’l law

Pinasaringan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pagiging ignorante sa international law.

Ito ay may kaugnayan sa napipintong pag-aresto sa CPP leader matapos humingi ng tulong ang gobyerno sa International Criminal Police Organization.

Giit ni Sison – hindi siya pwedeng arestuhin dahil kinikilala siyang political refugee.


Iginiit ni Sison na protektado siya ng refugee convention at ng European Convention on Human Rights.

Wala ring extradition treaty sa pagitan ng The Netherlands at ng Pilipinas.

Naniniwala rin si Sison na gawa-gawa lamang ang mga kaso laban sa kanya dahil imposibleng nakilahok siya sa 1985 incident lalo na at nasa ilalim siya ng maximum security detention.

Noong August 28, nag-isyu ang Manila Court ng warrant of arrest laban kay Sison at 30 iba pa kaugnay sa Inocapan massacre.

Facebook Comments