Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang pagpapahusay pa sa sistema ng business permit registration at tax collection sa mga establisyemento sa lungsod.
Mula sa gabay ng City Legal Office at Management Information System ay titiyakin ang mas pinahusay na pagproseso at sistema sa pagkuha ng mga negosyante ng kanilang business permit at pangongolekta ng buwis.
Hinihikayat naman ng One Stop Business Center (OSBC) ang pakikipagtulungan ng mga business owners na maging tapat at maayos na sa kanilang pagbabayad ng buwis.
Dapat na maging wasto rin sa pagtukoy sa mga obligasyong pinansyal ang mga nagmamay-ari ng negosyo sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









