Umapela ang Malacañang sa publiko na magtiwala sa sistema ng hustisya sa bansa.
Ito ang pahayag ng Palasyo sa harap ng mga kritisismo hinggil sa paggamit ng search warrants para habulin ang mga aktibista.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga hukom ay naglalabas ng search warrants batay sa mga ebidensya.
Naniniwala si Roque na sumusunod ang mga hukom sa constitutional requirement na ang search warrant ay iniisyu lamang kapag may nakita silang probable cause.
Pero kung may ibang hukom ang hindi tumutukoy ng probable cause ay mayroon aniyang legal remedy para dito.
Nabatid na siyam na aktibista ang napatay sa magkakahiwalay na police at military operations sa CALABARZON noong nakaraang linggo.
Facebook Comments