
Sisilipin ni Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez ang kasalukuyang sistema at patakaran ng ahensiya sa Presidential coverage.
Kasama dito ang patakaraan para sa media accreditation ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Malacañang.
Matatandaang naglabas ang nagdaang pamunuan ng PCO ng mas mahigpit na accreditation guidelines kung saan dapat ay limang taon na political beat ang isang reporter.
Ayon pa kay Gomez, pag-aaralan din niya ang paraan ng mga panayam at ambush interviews kay Pangulong Marcos sa mga aktibidad nito.
Ito ay para mas mapadali aniya ang pagco-cover ng media sa presidential engagements at matukoy kung alin ang aalisin o palalakasin pa.
Bukod dito, sisilipin din ng kalihim ang mga umano’y midnight appointments ni former Secretary Jay Ruiz bago ito umalis sa pwesto.









