Mas napagtibay ang laban sa ilegal na droga sa bansa dahil sa institutionalization ng kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa bansa.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nagkaroon na ng sistema sa paglaban sa kriminalidad.
Makakatulong aniya ito sa mga susunod pang administrasyon.
Binanggit ni Año ang pagkakatatag ng peace and order council sa mga Local Government Units (LGUs) at anti-drug abuse councils mula sa mga lalawigan hanggang sa mga barangay.
Mula sa higit 42,000 barangay sa buong bansa, nasa 41,950 o 99.69% ang mayroong organized BADAC.
Aabot sa higit 289,000 drug personalities ang naaresto kabilang ang 12,000 high value targets.
Nasa 757 drug den at laboratories ang nabuwag at nakapagkumpiska ng 59.14 billion pesos na halaga ng shabu, cocaine, marijuana, at iba pang illegal drug substances.