Sistema sa pamamahagi ng ECQ ayuda, isinasapinal na ng mga LGU

Pinaplantsa na ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) ang magiging sistema sa distribusyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ assistance para sa dalawang linggong pagsailalim ng Metro Manila sa ECQ.

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ngayong hapon, magpupulong muli ang Metro Manila Council upang maisaayos ang mga guideline at iba pang panuntunang ipatutupad sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Aniya, ito ay upang matiyak na rin na hindi magiging superspreader event ang distribusyon ng ayuda.


Hinihintay na lamang aniya nila ang final schedule kung kailan maida-download ang pondo para dito.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang mga Local Government Unit (LGU) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa listahan ng mga benepisyaryo ng ECQ ayuda.

Ayon pa kay Abalos, pinaghahandaan na rin nila ang pagpapalakas ng pagbabakuna, maging ang pool ng mga magbabakuna, sakaling sumipa ang kaso ng Delta variant sa bansa.

Facebook Comments