Binago na ng Commission on Elections (COMELEC) ang sistema kaugnay sa withdrawal at substitution ng mga kandidato sa halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, napagkasunduan ng en banc na isasabay na sa last day ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ang deadline ng withdrawal at substitution ng mga kandidato.
Bago niyan, mas mahaba pa ang palugit para sa withdrawal at substitution ng mga kandidato kumpara sa deadline filing ng COC.
Pero sa mga nakalipas na halalan ay tila naaabuso ito at ginagamit ng mga partido politikal upang maglagay muna ng “placeholder” candidates bago palitan ng iba pang kandidato.
Matatandaang isa na rito si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naging substitute candidate ng PDP-Laban kapalit ni dating DILG Undersecretary Martin Diño.
Samantala, gaganapin ang filing ng COC mula October 1 hanggang 8.