Cauayan City, Isabela – Patuloy ang isinasagawang pagsulong at pagpapakalat ng impormasyon sa mga mamamayan para sa pagbabagong sistemang Federalismo sa ating bansa.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Conrado Ding Generoso, Senior Technical Officer at Spokeperson ng Consultative Committee, kaniyang sinabi na hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakaunawa kung ano ang Federalismo.
Aniya, malaking bagay na maunawaan ng mga mamamayan ang isyu ng Federalismo para sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.
Kaugnay nito, may inilabas na memorandum ang Malacañang na bumuo ng inter-agency task force na kinabibilangan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Presidential Communications Operations Office (PCOO), Commission on Higher Education (CHED), Development Academy of the Philippines (DAP) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Layunin nitong magkaroon ng public education at information ang mga mamamayan para maunawaan ang tamang layunin at epekto ng Federalismo sa bans a.
Dagdag pa ni Generoso na ang hangad na pagbabago ay para sa lahat lalo na sa mga susunod na henerasyon dahil sa pamamagitan ng naturang sistema ay makakaahon na mula sa kahirapan ang mga Pilipino.
Nananawagan naman si Generoso sa taumbayan na dapat maging mapanuri at mahalaga na maging batayan sa pagboto ang may prinsipyo, programa, plataporma at hindi personalidad lamang ang tinitignan na mga maglilingkod sa bayan.