Manila, Philippines – Nagsorry ngayon ang sitcom ng Kapamilya network na “Home Sweetie Home” matapos maging kontrobersyal ang isa nitong episode.
Kung maala-ala sa episode noong Sabado, sa isang eksena, binanggit na hindi na uso ang Super Junior at bts na ang “in” na K-Pop group.
Habang sinasabi ito ay nagtatawanan pa ang character nina Michelle Vito, Katrina Legaspi at Miles Ocampo.
Dahil dito, umani ng batikos sa mga fans ang eksena sa sitcom at isa sa nagpahayag ng pagkadismaya ay si Happee Sy ng pulp live world – ang concert promoter na nagdala sa Super Junior sa Pilipinas kamakailan.
Kaya naman agad na humingi ng paumanhin ang Home Sweetie Home sa mga na-offend na fans.
Facebook Comments