SITG Bell 429, nagsimula nang magimbestiga kaugnay sa pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni PNP Chief Gamboa at mga kasama nito

Kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Operation Lieutenant General Guillermo Eleazar na nagpupulong na ngayon ang lahat ng unit ng Philippine National Police o PNP na miyembro ng binuong Special Investigation Task Group o SITG Bell 429.

Ito ay upang pagusapan ang mga dahilan ng pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa.

Sinabi ni Eleazar, ngayong hapon nag-convene ang SITG Bell 429 sa Camp Crame.


Tutukuyin ng SITG kung pilot error o mechanical error ang nangyari.

Piloto ng bumagsak na chopper si Lieutenant Colonel Ruel Zalatar at co-pilot na si Lieutenant Colonel Rico Macawili na sugatan rin sa pagbagsak ng chopper.

Facebook Comments