SITG Bunduquin, tiwala na hindi pa nakakalabas ng Calapan, Mindoro ang pumatay sa mamamahayag na si Cris Bunduquin

Kumpyansa ang Special Investigation Task Group (SITG) Bunduquin na nananatili parin sa Calapan, Oriental Mindoro ang suspek sa pamamaslang sa mamamahayag na si Cresenciano Bunduquin.

Ayon kay Oriental Mindoro Police Director at SITG Bunduquin Chief Pcol. Samuel Delorino, isandaang porsyento syang nakakasiguro na hindi pa nakakalabas ng Oriental Mindoro ang suspek.

Ito ay dahil lahat ng entry at exit point ng Calapan ay bantay sarado ng mga awtoridad.


Mayruon ding mga intel officer na ipinakalat gayundin ang pinaigting na mga checkpoints.

Maliban dito mayroon ding mga force multipliers na naka-deploy upang matiyak na mahuhuli sa lalong madaling panahon ang suspek sa pamamaslang sa broadcaster.

Sa ngayon, mayroon ng person of interest ang SITG kung saan namukaan ito ng primary witness sapagkat nuong isinagawa ang krimen ay walang suot na mask o helmet ang mga salarin.

Paliwanag pa ni Delorino, tuloy-tuloy ang kanilang hot pursuit operations laban sa tumakas na suspek.

Facebook Comments