Sitio Malugay sa Brgy. San Martin de Porres sa Paranaque City, isinailalim sa calibrated containment

Isinailalim sa apat na araw na calibrated containment ang Sitio Malugay sa Barangay San Martin de Porres sa Parañaque City.

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Sinimulan ang calibrated containment kaninang alas-12:00 ng hatinggabi kung saan ayon kay Ding Soriano, City Administrator ng Parañaque City Local Government Unit (LGU), walang pwedeng lumabas na mga residente sa Sitio Malugay maliban na lamang sa mga government at health care workers.


Maging ang mga tindahan at iba pang establisyemento ay pansamantalang sarado habang ipinatutupad ang calibrated containment.

Ang mga nagta-trabaho naman ay maaaring kumuha ng Certificate of Calibrated Containment via online para iprisenta ito sa kanilang kumpaniya kapag sila’y papasok na pero ang naturang certificate ay hindi maaaring gamitin bilang gate pass.

Nasa 1,800 pamilya mula sa Sitio Malugay ang apektado ng apat na araw na calibrated contaiment na magtatagal hanggang August 16, 2020.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na makakatanggap ng ayuda ang maaapektuhang pamilya sa Sitio Malugay.

Facebook Comments