Tuloy ang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng suspensyon ng pasok sa mga government office sa buong Luzon ngayong araw.
Kabilang sa naka-schedule na aktibidad ng Presidente ang pagdalo nito sa 2024 Galing Pook Awards Ceremony sa Malacañang.
Dito kinilala ang mga LGU sa bansa na may natatangi at makabagong mga programa o proyekto na nagbigay ng positibong epekto sa kanilang mga komunidad.
Susundan ito ng pagdalo ng Pangulo sa Toyota showcase ng next generation Tamaraw at Hydrogen Vehicle Technology, kung saan ipipresenta ng Toyota Motors ang kanilang Next Generation Tamaraw at ang Corolla Cross H2 Concept.
Layon nitong itampok sa Pangulo ang local manufacturing ng Tamaraw, at ilatag ang kanilang global initiative na Beyond Zero kung saan target ang zero emission sa pamamagitan ng mga electrification ng mga sasakyan at paggamit ng hydrogen technology tungo sa carbon neutrality.
Samantala, pagkatapos nito ay pangungunahan din ng Pangulo ang isang situation briefing kaugnay sa Bagyong Kristine saka susundan ng aerial inspection mamayang hapon.