SITWASYON NG COVID-19 SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NANATILING MAGANDA AYON SA GOBERNADOR

Nananatiling maganda ang pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan pagdating sa sitwasyon ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” I Espino sa kaniyang mensahe sa isinagawang Abig Pangasinan Karaban sa Basista.

Ang lalawigan ay isinailalim ng DOH sa alert level 3 dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 ngunit sa ilalim ng Alert Level 3 patuloy din ang pagtaas ng bed capacity nito para sa mga COVID-19 patients.


Ayon sa gobernador, panatilihin aniya ang pagsunod sa mga health protocols at makipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan at sa kani-kanilang lokal na pamahalaan upang mabawasan pa nang husto ang mga nagpopositibo sa COVID-19 sa loob ng Pangasinan.

Nanawagan din ito na samantalahin ang pagkakataon sa mga serbisyong pangkalusugan ng probinsiya ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments