Sitwasyon ng mga OFWs sa Kurdistan, sinusubaybayan ng DFA

Iraq – Mahigpit na minomonitor ng embahada natin sa Iraq ang sitwasyon ng ating mga Overseas Filipino Workers doon.

Ito ay makaraang makatanggap ng report ang ating embahada na mayruong nagaganap na palitan ng putok sa pagitan ng Iraqi Security Forces at Kurdish Peshmerga sa Kirkuk Province.

Ang sitwasyon ay bunsod ng paghiwalay ng Kurdistan mula sa Iraq base na rin sa resulta ng botohan sa nabanggit na bansa.


Sa abiso ng ating Embahada sa Iraq, pinapayuhan ang mga Filipino sa Kurdistan na manatiling kalmado pero alerto at umiwas sa mga magugulong lugar.

Hinihiling din ng embahada sa ating mga kababayan na sila’y magpatala saka-sakali mang magkaroon ng emergency at maghanda sa possible repatriation.

Sa ngayon nanatili sa Alert level 1 ang sitwasyon sa Kurdistan Region.

Sa datos ng DFA mayroong 3,000 mga Pinoy ang naninirahan at nagttrabaho sa Kurdistan.

Samantala, inanunsyo ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na lifted na simula kaninang alas dos ng hapon ang NOTAM o Notice to Airmen at balik operasyon na muli ang Iloilo International Airport.

Ito ay makaraang maialis na ng Cebu Pacific ang eroplano nilang nabalahaw o nag-runway overshoot noong Biyernes ng gabi.

Ipinatupad ang temporary closure sa Iloilo airport simula noong Sabado na nagresulta sa kanselasyon ng sandamakmak na flights sa Iloilo at iba pa.

Facebook Comments