Bumubuti na ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel dahil napigilan na ang tuloy-tuloy na pag-atake ng Hamas lalo na sa katimugang bahagi kung saan mas maraming Pilipino ang namamalagi.
Inihayag ito ni Department of Foreign Affairs o DFA Usec. Eduardo de Vega sa briefing sa House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo.
Samantala, binanggit din ni De Vega, na bineberipika pa nila kung may isa pang Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel bukod sa dalawang naunang naitala.
Sabi ni De Vega, isinasailalim sa DNA ang labi upang makumpirma kung Pilipino nga ito habang may tatlong unaccounted pa.
Facebook Comments