Sitwasyon ng mga Pilipinong nasa Ukraine, mahigpit na minomonitor ng DFA kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Russia

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon ng mga Pilipino na nasa Ukraine.

Sa gitna ito ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia kung saan nagbabala na ang estados unidos ng posibilidad ng pananakop ng Russia.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Poland sa mga pilipino sa ukraine sa pamamagitan ng Philippine Honorary Consulate sa kapitolyo nito sa Kyiv.


Hinikayat naman ng DFA ang mga nandito sa Pilipinas na may kaibigan at kakilala na nasa Ukraine na patuloy na i-monitor ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng social media.

Nasa 380 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Ukraine ayon sa DFA.

Facebook Comments