Sitwasyon ng mga Pinoy na nadamay sa sunog sa Kuwait, tinututukan ng OWWA

Tinututukan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kalagayan ng 11 mga Pinoy na naapektuhan ng sunog sa residential buiding sa Kuwait kahapon.

Kabilang sa inaalalayan ngayon ng OWWA ang tatlong Overseas Filipino Worker (OFW) na nasugatan sa sunog kasama na ang dalawang nasa kritikal na kondisyon sa ospital doon.

Kinumpirma naman ng OWWA na bukod sa tatlong Pinoy na nasa ospital, ligtas na ang tatlo pang OFWs, samantalang inaalam pa ang status ng lima pang Pinoy.


Nakausap na rin ng OWWA ang pamilya sa Pilipinas ng tatlong Pinoy na nasugatan sa sunog.

Facebook Comments