Sitwasyon ng mga pinoy sa Qatar – mahigpit na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs, epekto sa mga OFWs ng pagputol ng pitong bansa sa relasyon sa Qatar – pinatututukan!

Manila, Philippines – Mino-monitor ngayon ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers sa middle east.

Kasunod ito ng pagputol ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates, Yemen, Libya, Maldives at Egypt sa relasyon nila sa Qatar dahil sa sinasabing pagsuporta umano sa mga teroristang grupo.

Sa interview ng RMN, pinayuhan ni Susan “Toots” Ople ng Blast Ople Policy Center sa mga kababayan pinoy na manatiling mahinahon dahil nagbigay na ng assurance ang qatari government.


Dahil sa diplomatic row, sinuspende na ang mga flights papunta at mula sa Doha, Qatar habang nagkakaroon ng panic buying ang mga tao dahil sa pagsasara ng Saudi Arabia ng tanging land border nito.

Sa ngayon ay nananatiling normal ang sitwasyon ng mga pinoy sa Qatar, pero paalala ni Ople sa pamahalaan – gumawa ng plano para sa mga pinoy sakaling lumala ang sitwasyon.

Sa ngayon aabot sa 220,000 Filipinos ang nagtatrabaho sa Doha, hindi pa kasama ang mga undocumented na mga pinoy.
DZXL558

Facebook Comments