Manila, Philippines – Masusing mino-monitor ng Dept. of Foreign Affairs ang sitwasyon ng OFWs sa Middle East.
Kasunod ito ng pagputol ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates ,Yemen,Libya, Maldives at Egypt sa relasyon nila sa Qatar.
Una nang inihayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na walang direktang epekto sa ofws ang pagkalas ng apat na bansa sa alyansa sa Qatar.
Tiniyak naman ng Filipino community sa Qatar na normal pa rin ang kanilang pamumuhay sa doon sa harap ng naturang development.
Una nang iginiit na ng Saudi Govt. na ang pagsasara nila ng land, sea at air ports sa Qatar ay bahagi ng kanilang pagprotekta sa kanikang national security kontra terorismo.
DZXL558, Joyce Adra
Facebook Comments