Sitwasyon ng trapiko sa Mandaluyong at San Juan City, apektado ng ginaganap na malaking political motorcade

Ilang kalsada sa lungsod ng Mandaluyong at San Juan ang apektado sa daloy ng trapiko ngayong umaga dahil sa ginaganap na malaking Political motorcade.

 

Inaasahang tatagal ang  motorcade ng  3 hanggang 4 na oras na sinimulan sa Martinez street sa Maysilo Circle sa Mandaluyong hanggang San Juan.

 

Hinati sa tatlong parte ang motorcade, ang phase 1 ay mula sa  Mandaluyong District 1 na nagsimula kaninang alas-7:45 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.


 

habang ang phase 2 naman ay mula Mandaluyong District 2 na nagsimula kaninang alas-9:00 ng umaga  hanggang alas-11:30 ng umaga na nagsimula sa  San Francisco st. Maysilo Circle at magtatapos sa  F. Blumentrit kanto ng F. Manalo, San Juan City.

 

Ang phase 3  ay sa mga eskinita ng  San Juan City na magsisimula ng alas-11:30 ng umaga hanggang alas-12:30 ng hapon na magsisimula sa  F. Blumentrit kanto ng F. Manalo, San Juan City At magtatapos sa Pinaglabanan Shrine.

 

Bukod sa mga local candidate kasama din sa motorcade si dating sap bong go kung saan nakakalat naman sa lugar ang mga tauhan ng mandaluyong traffic na siyang umaalalay sa  mga motorista.

Facebook Comments