Sitwasyon ng Tsuper ng Tricycle na Bumangga sa Barrier, Kritikal sa Pagamutan

889

Cauayan City, Isabela- Kritikal ang lagay ng biktima ngayon sa isang ospital makaraang bumangga ang kanyang minamanehong tricycle sa isang barrier at humiwalay ang motorsiklo nito sa sidecar bandang 8:50 kagabi sa kahabaan ng Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Leong Torres, may-asawa, nasa tamang edad at residente ng nasabing bayan.


Ayon kay PMAJ. Ardee Tion, hepe ng Alicia Police Station, lango sa nakalalasing na inuman ang biktima ng mangyari ang aksidente.

Batay umano sa inisyal na assessment ng rumespondeng rescue teams, bitak ang ulo ng biktima at nananatiling unconscious pa rin sa pagamutan.

Samu’t sari naman ang panawagan sa social media ng malalapit na kaibigan ng biktima na ipagdasal ito na makarekober sa malagim na aksidenteng sinapit nito.

Paalala naman ng mga otoridad na tiyakin na hindi nakainom upang maiwasan ang aksidenteng gaya ng kinahantungan ng nasabing biktima.




Facebook Comments