Sitwasyon noong Marso na puno ang mga ospital sa Metro Manila, nararanasan na ulit

Nararanasan na naman ng mga ospital sa Metro Manila ang sitwasyon na kagaya noong Marso at Abril.

Ito ay dahil napupuno na ang kapasidad ng mga ospital ng mga pasyente ng COVID-19 na dinagdagan pa ng ibang mga kaso kagaya ng dengue at influenza.

Ayon kay Philippine Hospital Association President Jaime Almora, nangangailangan pa rin sila ng karagdagang nurses dahil kulang na kulang pa ang workforce lalo na’t mas mabigat ngayon ang kanilang trabaho.


Samantala, malapit nang maabot ng Ospital ng Muntinlupa ang full capacity para sa COVID-19 patients kung saan nasa 265 pasyente na ang kanilang inaasikaso.

Bukod sa Metro Manila, ramdam na rin ang pagkapuno ng mga kapasidad ng mga ospital sa bayan ng Tanza sa Cavite na nasa 400 na ang aktibong kaso nila sa ngayon.

Facebook Comments