Sitwasyon sa Bohol at sa ilang panig ng Central Visayas, balik normal na

Manila, Philippines – Balik na sa normal ang sitwasyon sa Bohol at maging sa ilang panig ng Central Visayas.

Kasunod na rin ng pagpasok sa Inabanga, Bohol ng mga miyembro Abu Sayyaf Group na naka-engkwentro naman ng militar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – patunay na balik na muli sa normal ang Bohol ay muli na namang fully booked ang mga hotel at resorts sa Panglao.


Nabatid na mismong ang mga delegado ng ASEAN ay pumunta namasyal sa Bohol noong nakaraang Linggo.

Tiniyak naman ni Arevalo na palaging nakahanda ang militar na pigilan ang planong paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf at ng iba pang bandidong grupo.
DZXL558

Facebook Comments