SITWASYON SA BRGY. GUAYABAL, NANANATILING MAPAYAPA

Cauayan City – Pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela nitong mga nakaraang buwan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginoong Jose Baccay Jr., nitong mga nakalipas na buwan ay walang naitalang anumang malalang insidente sa kanilang lugar.

Aniya, bukod sa mangilan-ngilang mga pagkakataon na mayroong hindi pagkakaunawaan ng ilang mga magkakapit-bahay ay wala ng kaguluhan na nangyayari sa kanilang barangay.


Sinabi nito na kung mayroon mang sigalot na nabubuo, kaagad nilang inaayos ito sa pamamagitan ng malumanay na pakikipag-usap sa bawat panig.

Sinabi rin nito na aktibo ang kanilang mga barangay tanod dahil umaga man o gabi, tuluy-tuloy ang pagro-ronda ng mga ito sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang ligtas at mapayapang sitwasyon sa kanilang lugar maging ang mga residente.

Facebook Comments