Sitwasyon sa Iloilo City ngayong ECQ, normal; pero mga ospital puno ng mga COVID-19 patients mula sa kalapit na lugar

Halos normal ang sitwasyon sa Iloilo City kahit nakasailalim ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Paliwanag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, pangatlo lamang ang Iloilo City sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.

Aniya, napupuno ang mga ospital sa lungsod dahil halos lahat ng COVID-19 patients sa mga katabi nitong probinsya ay dinadala sa kanila.


Problema rin ang kawalan ng ICU beds sa lahat ng ospital sa probinsya ng Iloilo.

Facebook Comments