SITWASYON SA ISRAEL, EKSKLUSIBONG IKINWENTO NG ISANG PINOY SA IFM

Ibinahagi ng isang pinoy ang naging sitwasyon sa Israel kung saan patuloy ang tensyon ng Israel Police at ng Gaza Hamas Palestinian Militant Group.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Ador Tucay, OFW, mapayapa ngayon ang sitwasyon sa Israel matapos ang ilang araw na pagpapalipad at sagutan ng mga rocket sa pagitan ng Israel at ng mga Palestino.

Sinabi din ni Ador na dalawang minuto ang itinatagal ng pagpapatunog sa sirena kung saan hudyat ito na mayroon nanamang sagupaan at upang magtago umano sila sa safety shelter room.


Ayon kay Ador, naka-red alert ang bansa sa banta pa rin ng mga protesters.
Sa ngayon, hindi pa kailangang lumikas dahil nakokontrol pa umano ang mga pangyayari sa lugar at tanging dasal lang ang kanilang ginagawa sa tuwing may sagupaan.

Nakatutok naman daw umano ang embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy sa bansa.

Nagpaalala naman si Ador sa mga kababayan sa Israel na mag-ingat lagi at gayundin sa mga pamilya ng mga OFWs sa Pilipinas na ipagdasal at iparamdam ang suporta sa kanilang mga kaanak sa Israel.

Facebook Comments