Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang clearing operation ngayong ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City kasunod ng pag-atake ng Maute Group.
Sa interview ng RMN kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – inaasahang sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay maibabalik na sa normal ang sitwasyon sa Marawi City.
Pero, paglilinaw ni Arevalo – kahit maibalik sa normal, hindi pa rin ito kasiguraduhan na tatanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao.
Sa ngayon nabawi na aniya ng militar ang tatlong malalaking establisyementong inakupa ng Maute Group na kinabibilangan ng city hall ng Marawi at Mindanao State University.
Lima naman ang nasawi sa panig ng militar, 13 sa teroristang grupo habang 31 ang nasagutan.
DZXL558