Wednesday, February 25, 2026

Sitwasyon sa Mendiola nananatiling mapayapa; mahigpit na seguridad ipinatutupad

Bagama’t walang kilos protesta ngayong hapon sa Mendiola sa Maynila, nananatiling mahigpit ang ipinatutupad na seguridad.

Nasa halos anim na libong pulis ang ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines, naka-deploy ang mga pulis sa Mendiola, Recto, Ayala Bridge, Liwasang Bonifacio at iba pang kalsada sa lungsod.

Nananatili namang sarado ang ilang kalsada sa may bahagi ng Legarda at Mendiola habang isang lane ang passable sa Ayala Bridge.

Ayon kay Ines, pinaghahandaan nila ang posibleng pagsasagwa ulit ng protesta sa Mendiola bagama’ nananatiling mapayapa ang sitwasyon dito ngayon.

Sabi naman ni CIDG-NCR Regional Director Police Colonel John Guiagui, patuloy ang mahigpit na seguridad sa Maynila hangga’t hindi natatapos ang ikinakasang mga rally sa EDSA.

Facebook Comments