Sitwasyon sa mga karagatan ng Pilipinas na malapit sa Taiwan, balik-normal na ayon sa PHIVOLCS

Balik-normal na ang sitwasyon sa mga karagatan ng Pilipinas kasunod ng tumamang 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol, na maaari nang makapalaot ang mga mangingisda.

Pinapayagan na ring buksan ang mga resort, at bumalik sa mga tahanan ang mga nagsilikas na residente mula sa Isabela, Cagayan, Batanes, at Babuyan Group of Islands.


Ayon kay Bacolcol, wala na silang nakitang pagbabago sa sea level sa mga karagatang sakop ng bansa na nakaharap sa Taiwan.

Hindi na rin aniya sila magbababa pa ng panibagong tsunami warning.

Facebook Comments