Inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na mahigpit na i-monitor ang sitwasyon sa mga lugar na nakakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ito ay dahil sa walang tigil na pag-ulan epekto ng shearline.
Sa isang statement, sinabi ng pangulo na bukod sa utos niya sa NDDRMC na paigtingin ang monitoring sa mga apektadong lugar.
Direktiba rin ng pangulo sa NDRRMC na alukin ng tulong ang mga lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng tulong sa kanilang nasasakupan na ngayon ay nakakaranas ng matinding pagbaha at landslides.
Kahapon ay una nang tumungo sa Misamis Occidental ang pangulo at personal na binisita ang mga apektadong pamilya.
Bukod sa pagbisita, pinangunahan ng pangulo ang pamimigay ng tulong sa mga apektadong pamilya kung saan umabot sa kabuuang 16.4 milyong piso ang naitulong sa mga apektado sa Misamis Occidental.