Sitwasyon sa NAIA, nananatiling maayos sa kabila ng pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Tuesday

Nanatiling maayos ang sitwasyon ng daloy ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Inaasahan kasi na simula ngayong araw ay dadagsa pa ang mga pasahero.

Hindi rin naiipon ang mga pasahero kasunod ng ginagawang intervention ng Manila International Airport Authority (MIAA) kabilang ang pagtanggal ng X-ray machine sa entrance ng airport at pagkikipag-ugnayan sa mga airline company na pahabain ang oras ng check-in counter process.


Samantala, mula sa tatlong oras, may limang oras ang palugit ng ilang kumpanya para sa check-in counter process para mabigyan ng mas mahabang oras ang mga pasahero at hindi mahuli sa kanilang flight.

Matindi rin ang pagbabantay na ginagawa ng airport authority upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments