Manila, Philippines – Masusing mino-monitor ng Philippines Embassy sa Oslo, ang sitwasyon ng Filipino community sa Stockholm.
Kasunod ito ng terror attack kung saan isang nakaw na beer truck ang ibinangga sa department store na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng labing limang iba pa.
Kaugnay nito, ipina-abot ng Department of Foreign Affairs ang pakikidalamhati nito sa Sweden.
Mahigpit ding kinukundena ng pamahalaan ng Pilipinas ang naturang terorismo at tiniyak ng DFA ang suporta nito sa paglaban ng Sweden sa mga karumal-dumal na gawain.
Nation
Facebook Comments