Sitwasyon sa Taal Volcano, nasa Alert Level 3 na

Itinaas na sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Taal Volcano mula sa Alert Level 2.

3:16 pm kanina nang nagbuga ng malakas na usok sa bunganga o main crater ng Bulkang Taal.

Ibig sabihin nito, inirerekomenda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang paglilikas sa Bulkang Taal island at sa mga nasa high risk areas, partikular na sa Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa banta ng pyroclastic density at volcanic tsunami.


Facebook Comments