Sitwasyon sa tuwing ikinakasa ang drug operation, hindi kontrolado ng PNP Bulacan

Bulacan – Hindi kontrolado ng PNP Bulacan ang mga posibleng mangyari sa tuwing magsasagawa sila ng One Time Big Time Operation.

Ito ang paliwanag ni Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., ang Bulacan Police Provincial Director matapos masawi ang 32 drug personalities sa loob lamang ng 24 oras.

Ayon sa opisyal, hanggat maaari ayaw nilang maging bloody ang kanilang mga ikinakasang operasyon.


Pero sa oras aniya na manlaban na ang mga target ng operasyon ay hindi na nila ito nakokontrol pa sa halip ang gusto na lamang nila ay ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Paliwanag pa ni Caramat na karamihan sa mga napatay na drug personalities ay mga notoryus.

Ibig sabihin aniya ng noturyos ay hindi nagpapahuli ng buhay ang ganitong drug personality.

Sa ngayon sinabi ni Caramat na hindi sila papaapekto sa mga negatibong komento sa kanilang masigasig na pagsasagawa ng drug operation.

Facebook Comments